Sagot :
Answer:
Gawin ang talumpati sa sariling wika at sa wikang Hapon. Hindi kinakailangang isalin ang lahat ng talumpati sa
salitang Hapon, subalit, iminumungkahi na gamitin ang mga natural na ekspresyon sa parehong wika. Kung
nahihirapang isalin ang sariling wika sa salitang Hapon, maari itong ipaliwanag ng direkta. Nakasaad sa ibaba ang
mga hakbang sa pagsusulat ng talumpati.
STEP 1:Pumili ng Paksa para sa Talumpati
Una, isipin kung ano ang magiging paksa ng inyong talumpati.
May mga paksa ba kayong nais iparating sa tao. Bakit gusto ninyo ang paksang ito. Gaano kahalaga sa inyo ang
paksang ito. Nirerekomenda na isulat ang mga naiisip na paksa at saka piliin kung alin sa mga ito ang nais
ipahayag sa harapan ng mga tao.
Mga halimbawa ng paksa:
“Ang Kultura ng Aking Bansa at ang Kulturang Hapon” “Ang Pamilya ko at ang Hapon” “Ang
Pinakamagandang Araw ng Aking Buhay” “Mensahe para sa mga Juniors” “Ang mga Natutunan ko” “Ang Aking
Pangarap” “Ang Aking mga Kaibigan” “Ang Paaralan ko” “Ang mga gusto kong Gawin”
Iminumungkahi na piliin muna ang magiging paksa at saka na magpasya kung ano ang magiging pamagat ng
talumpati
STEP 2:Maghanda ng Talumpati na Nakakaantig ng Puso
Anong mga karanasan ang inyong napagdaanan sa paksang inyong napili. Alalahanin ang mga detalyeng
nag-iwan ng alaala sa inyo. Maaaring gamitin ang inyong sariling karanasan, kuwentong narining mula sa pamilya,
mga kaibigan o guro. Maari ninyong gawing dalawang talata ang inyong talumpati para mas maging kaaya-aya ito
sa mga manonood.
STEP3:Guwama ng plano para sa inyong talumpati
④ Suriin mabuti ang inyong pamagat pagkatapos na
isulat ang inyong talumpati. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng
inyong pahayag
②Maaari umpisahan ang inyong talumpati sa
pamamagitan ng tanong na may kinalaman sa inyong talumpati.
① Una, isulat kung ano ang paksa ng inyong talumpati.
Alalahanin ang inyong mga naging karanasan at mga istoryang
narining mula sa ibang tao. Magbigay ng isa o dalawang talata
ng kuwento.
③ Magbigay ng mensahe sa huli para sa mga manonood .
STEP4: Isulat ito gamit ang Microsoft Word
Gamit ang format sa itaas, isulat ang sariling wika, kahilera ng wikang Hapon.
Pamagat
Pangalan
Pagbati at Tanong
Unang talata ng kuwento
Ikalawang talata ng kuwento
Konklusyon, Pagpapahayag
Mensahe sa Manonood
This is subsidized by the Nakajima Foundation and supported by JASSO.
フィリピノ語版
Paalala
Siguraduhin na magkahanay ang mga pangungusap ng sariling wika at ng wikang Hapon. Isulat ito sa katulad
ng sa format sa itaas. Isulat ito sa isang pahina at maaari ninyong baguhin ang disenyo ng mga letra.
☆Criteria sa Paghuhusga
Ang nakasulat sa ibaba ay mga criteria sa paghuhusga. Hanggat maari ay subukan makakuha ng mataas na marka.
Napakahusay
4
Napakagaling
3
Magaling
2
Kailangan pa ng
konting pagsisikap
1
Pamagat
4
Kakaiba ang piniling
pamagat at kinuha agad
ang atensyon ng mga
nakikinig sa unang linya pa
lamang ng pahayag
Naagaw ang atensyon ng
mga nakikinig sa
mahusay na pagpili ng
pamagat at unang
pahayag
Walang problema sa
pamagat at nilalaman ng
unang pahayag.
Hindi nag tugma ang
pamagat sa nilalaman ng
unang pahayag.
Nilalaman at
pagkakasulat
4
May buhay ang istorya at
magaling ang
pagkakaugnay ng mga
pahayag at nagpamalas ng
kasiya-siyang konklusyon.
Ang istorya ay
magkakaugnay at natural
ang pagkakahayag ng
mga salaysay.
Ang pagkakaugnay ng
istorya ay nag-iwan ng
palaisipan at pinilit
lagyang ng konklusyon.
Hindi magkakaugnay ang
nilalaman ng istorya at
walang konklusyon na
naganap o pinilit lagyan ng
konklusyon sa huli.
Tono at Boses sa
pagpapahayag
4x2
Ang tono ng boses ay
malumanay at masarap
pakinggan. Nilalapatan
ng tamang paraaan ng
emosyon habang
nagbibigay ng
talumpati.
Ang tono ng boses ay
maganda at
mararamdaman ang
emosyon sa mga
salaysay na
nangangailangan ng
tamang diin.
Ang tono ng boses ay
sapat subalit paminsan
ay mahina. Mahirap
intindihin kung ano ang
nais ipahayag.
Walang buhay ang
pagkakahayag ng talumpati
at hindi halos maiintindihan
kung ano ang nais
ipahayag.
Pagbigkas at
Gaano ka
ganda
pakinggan
4x2
Malinaw ang
pagkakabigkas at
nagsisikap na ipaintindi sa
mga nakikinig ang nais
ipahayag. Sapat na bilis
ng pagkakabigkas at
bibihira lamang ang
paghinto at pagkaka-utal
ng mga salita.
Malinaw ang
pagkakabigkas subalit
minsan ay nabubulol ng
hindi sinasadya.
Kakikitaan ng pagsisikap
na iparating ang nais
sabihin sa mga nakikinig.
May pagkakataon na
hindi malinaw ang
pagkakabigkas ng mga
salita.