Sagot :
Answer:
Ang Bohol ay dinadagsa ng maraming turista mapa-Filipino man o turista galing pa sa ibang bansa. Kinikilala ang Bohol dahil sa iba’t-ibang uri ng magagandang tanawin na nakapalibot nito. Sa kagandahan ng Bohol, isa sa mga magagandang tanawin nito ay kasali sa “Seven wonders of the world” ang pitong magagandangtanawin na makikita sa buong mundo,
Ang Chocolate Hills. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi). Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito. Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.
Isa din sa mga tumpok n dinadagsa ng mga turista ay ang mapuputing buhangin na makakita sa Dalampasigan ng Panglao Island. Ang Panglao Island ay pinapapalibutan ng mga mapuputing buhangin kaya’t naging atraksyon ito ng mga turistang dumadayo sa lalawigan.
Kilala rin ang Bohol sa mga kweba na matatagpuan sa mga hindi inaasahang lugar. Ang halimbawa nito ay ang Hinagdanan Cave, ang Hinagdanan Cave ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Dauis at Panglao. Ito ay isang natural na maliwanag na kweba at malalim ang tubig na makikita sa loob kaya ito dinadagsa ng mga turista. Kanina pinakita natin kung ano ang makikita sa Panglao Island, ngayon ipapakita natin kung ano ano ang mga magagandang resort nito.
Isa sa mga sikat na magandang tanawin ng Bohol ay ang Alona Beach Resort, kinikilala ang Alona Beach Resort dahil sa mapuputing buhangin at mabubundok na bato sa dagat. Makikita ang resort na ito malapit sa dalampasigan. Punong-puno ng magagandang coral reefs at maraming isda ang dagat nito.
Isa din sa mga dinadagsa ng mga turista ang man-made forest sa Bilar, Bohol. Nakapalibot nito ang napakatangkad at malalaking kahoy ng mahogany at ang lamig ng hangin kung nasa gitna ka ng gubat. Ito ang dahilan kung bakit gustong-gusto ng mga turista ang lugar.
Malapit lang sa Bilar makikita natin ang maliit na hayop na malalaki ang mata na naninirahan sa mga kahoy, ang tawag nito ay Tarsier. Isa ito sa mga dinadagsa ng mga turista dahil ang hayop na ito ay endangered na at hindi na makikita kung saan saan.
Makikita din sa Bohol and sikat na eskulptura ng Blood Compact. Ang pagkakaisa ng Bohol sa mga kastila. Ang pagkakapatiran nina Rajah Sikatuna at Miguel Lopez de Legazpi na isang manlalayag galing pa sa espanya.
Makikita din sa Bohol ang isa sa mga pinakamatandang simbahan sa buong mundo ang La Purisima Concepcion de la Virgen Maria Parish Church o Baclayon Church. Isang simbahang Romano na intinayo noong 1727. Ngunit sa kalagitnaan ng Lindol noong 2013, nasira at bumabagsak ang kampana ng simbahan kaya’t kinailangan nitong ayusin.
Isa rin sa mga pinakamagandang tourist spot sa Bohol ang Loboc Eco-Tourism Adventure Park na kinikilala sa mga iba’t-ibang uri ng rides sa lugar, isa na nito ang zip-lining at river cruising. Hindi pa gaano kalayo sa Loboc ang isa rin na itinuturing napakagandang tourist spot sa bohol,
Ang Chocolate Hills Adventure Park, kinikilala ito dahil sa magaganda at napaka-exciting na rides at magandang view ng chocolate hills. Diba’t kinikilala rin ang Bohol sa kadamihan ng magagandang pulo na nakapalibot nito?
Isa na dito ang Virigin Island, Ang Virgin Island ay dinadagsa nga karamihan ng mga turista dahil sa kanyan mala-paraisong tanawin at mapuputing buhangin na makikita sa dalampasigan.
Diba’t kailangan ng mga turista ng matutuluyan?
Meron ding 5-Starred Hotel ang Bohol, kagaya ng Bellevue Hotel, Henann Resort, at