Sagot :
Si Monica ay aking papahiraman sa halagang kaya ko lamang ipahiram, sa halagang may maiiwan sa akin upang gastusin din sa bahay. May iba pang paraan upang makatulong gaya ng pagsama sa kaniyang lumapit sa barangay o di kaya munisipio upang manghingi ng tulong. Siya rin ay aking sasabihan na ang mga hospital sa ngayon ay hindi maaring tumanggi sa mga nangangailangan kaya mas mainam na dalhin na niya ang kaniyang anak sa hospital at tutulungan ko na lang siya kumalap ng tulong mula sa mga taong bukas ang loob na tumulong.
Kung matatandaan natin, ang pagtulong sa kapwa ay isa sa mga magagandang bagay na ating nararapat gawin sa ating kapwa, bilang pagpapakita ng kabutihan at pagmamahal at dahil sa ito rin ay tama at nakasaad sa bibliya.
Upang magkaroon ng kaalaman sa mga ibang bagay, maari mong basahin ang mga sumusunod:
- Pagtulong sa kapwa https://brainly.ph/question/515145
- Pagtulong sa kapwa at pagtulong sa Diyos https://brainly.ph/question/516167
#LetsStudy