👤

A. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung di-wasto ang pahayag.
1. Ang kakayahan sa pagdedesisyon sa buhay ay isang nakapakahalagang kasanayan para sa mag-
aaral na tulad mo.
2. sa bawat desisyon na iyong ginagawa ay may mga hakbang na dapat sundin para sa ikabubuti ng
lahat.
3. Ang pagtupad ng responsibilidad o pagiging responsable ay nagpapanatili ng mabuting ugnayan sa
ating kapwa, kaibigan at kapamilya.
4. Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan sa pagtupad sa mga pangakong
binitiwan.
5. Ang pagkakaroon ng isang salita ay indikasyon na ikaw ay tapat at may mabuting karakter.
6. Huwag kang mangangako kung hindi mo naman ito kayang tuparin.
7. Upang maiwasan na mapahiya o matawag na iresponsable ay matuto kang humingi ng paumanhin
at magpaliwanag kung bakit hindi mo matutupad o natupad ang iyong pangakong binitiwan.
8. Ang hindi pagtupad sa pangako ay nakawawala ng tiwala ng kapwa.
9. Ang bawat pangako ay may katumbas na pananagutan.
10. Upang maiwasan na mapahiya o matawag na iresponsable ay matuto kang humingi ng
paumanhin at magpaliwanag kung bakit hindi mo matutupad o natupad ang iyong pangakong binitiwan.​