Sagot :
Answer:
Ano ang tatlong(3) antas ng Pang-uri?
Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay, Pahambing, o Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may pinagkaiba.
Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas, mabigat, at mahinahon.
Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing na dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas maliit, magkasing-lapad, at mas kasya.
Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.