A. Panuto 1: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Pilin at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Gusto niyang iparating sa kinauukulan ang hinaing ng kanyang mga kaibigan tungkol sa pagmamalupit sa kanila ng ibang mga tao. Ano ang ibig sabihin ng salitang hinaing? A. kalagayan B. pagkondena C. pasasalamat D. reklamo 2. Malaking suliranin ng mga magsasaka ang mga pesteng kumakain ng kanilang mga pananim. Anong uri ng salita ang suliranin? A. balbal B. di-pamilyar C. hiram D. pamilyar 3. Salamat at pinaunlakan n'yo ang aking paanyaya. Masaya ako na tinanggap n'yo ang aking imbitasyon. Anong uri ng salita pinaunlakan? A. balbal B. di-pamilyar C. hiram D. pamilyar 4. Narinig ko ang tinuran ni Kinay kuwago na tungkulin din namin ang pagkontrol sa mga daga. Anong uri ng salita tinuran? A. balbal B. di-pamilyar C. hira D. pamilyar 5. Napagtanto niya ang dahilan ng pagdami ng mga peste mula sa sinabi ng kanyang mga kaibigan. Ano ang ibig sabihin ng salitang napagtanto? A. naliwanagan B. napag-alaman C. napagtanungan D. napagsabihan