Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang mga nailarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon. Gawing gabay ang mga kahulugan ng mga salitang ito. Sagutan ito sa iyong kuwaderno. doctor kapatid nanay guro tatay 1. Siya ang haligi ng tahanan at katuwang ng nanay sa paghahanap-buhay upang matustusan ang panga gailangan ng pamilya. 2. Siya ang nilalapitan sa oras na tayo ay may sakit at nangangailangan ng atensiyong medikal. 3. Siya ang tumatayong pangalawang magulang sa paaralan na gumagabay at nagpapaunlad ng mga kaisipan ng mga mag-aaral. 4. Siya ang itinuturing na ilaw ng tahanan. Pinamamahalaan niya ang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak. 5. Sila ang mga nakatatanda o nakababata sa ating pamilya na kasama natin sa lungkot at saya ng buhay.