Alin ang Tama Mong Gawin: Matapos mong basahin at unawain ang mga pangungusap, ipahayag ang iyong paniniwala sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) kung tama ang gawain o ekis (*) kung mali: 1. Sasamahan kong gumawa ng mga face masks ang mga kaibigan ko para ipamimigay namin sa mga frontliners na tumutulong para labanan ang COVID 19. 2. Pupunta kami sa Home for the Aged para mamigay ng pamasko sa mga matatanda 3. Sasali kami ng aking buong barkada sa Summer Basketball League sa aming Barangay. 4. Naghahanda kami ng mga katropa ko para sa darating na paligsahan sa sayaw-awit. 5. Nagpapraktis ng aming field demonstration para sa darating na MAPEH Day ng aming paaralan. 6. Tumangging maging opisyal ng Supreme Pupils Government ng paaralan. 7. Nagdadahilan para hindi makasali sa pamumulot ng mga basura sa paligid ng paaralan. 8. Umiiwas sa mga barkadang humihingi ng solicitation para sa biktima ng bagyo 9. Iniwan ang mga kapitbahay na tumutulong sa paglipat ng mga gamit ng nasunugan. 10. Hindi diniligan at hinayaang malanta lang ang mga itinanim na puno at halaman,