Basahin at suriin ang sumusunod ng mga pangungusap. 1.Ika-10 ng Mayo ang kaarawan ni Mang Pedro. 2.Nagpunta ang buong pamilya sa simbahan. 3.Sa tabing-dagat sila nag piknik. 4.Mataimtim na nagdarasal ang mag-anak ni Mang Pedro. A.Sa unang pangungusap ay nagsasaad ng panahon. Tumutugon ito sa tanong na kailan. Ito ay tinatawag na pang-abay na pamanahon. B.Sa ikalawa at ikatlong pangungusap ay nagsasaad ng lugar kung saan nagaganap ang kilos. Tumutugon ito sa tanong na saan. Ito ay tinatawag na pang-abay na panlunan. C.Sa ika-apat na pangungusap ay nagsaad kung paano isinagawa ang kilos o pangyayari. Ito at tinatawag na pang-abay na pamaraan.