Sagot :
Answer:
Tatlong Uri ng kilos ng tao
•Kilos Ng Tao(act of man) ay mga kilos na nagaganapsa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
•Makataong Kilos(Human Act) ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman , malaya , at kusa.Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman , ginamitam ng isip at kilos loob kayat may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob , sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable , alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
TATLONG URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN (ACCOUNTABILITY)
•KUSANG LOOB. ito ay kilos na may kaalaman at pagsang ayon.Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
•PAGSUSURI. ang halimbawang ibinigay ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito isakatuparan at maging matagumpay ito.
•DI KUSANG LOOB. dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
•WALANG KUSANG LOOB.dito ang tao ay walang kaalaman kaya't walang pagsang ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kayat walang pagkukusa
Explanation: