👤

bumuo ng limang pangungusap. dugtungan ang salita. natutunan ko na ang paggalang sa suhestiyon ng iba ay​

Sagot :

Natutunan ko na ang paggalang sa suhestiyon ng iba ay lubos na nakakatulong para maiwasan ang pananakit ng damdamin ng iba. Sa paggalang ng suhestiyon ng iba, mas nagkakaroon ka rin ng ideya sa mga gawain o problema na siyang binibigyang solusyon. Lubos na mahalaga ang paggalang sa mga suhestiyon o saloobin ng iyong kapwa, hindi lang para hayaan silang magsalita ng kanilang opinyon at pakinggan lang ito bagkus, dapat na intindihin at suriin rin ito para sa mabuting pagpapasya. Ang paggalang sa saloobin ng iba ay tanda rin ng pagiging disiplinado mong tao at higit sa lahat mas matututo ka kung bukas ang isip mo sa iba't ibang plano. Kaya isa sa mga natutunan ko na ang paggalang sa suhestiyon ng iba ay makatutulong para sa kabutihang panlahat.

Hope makatulong :) Ideya lang. Dagdagan mo kung gusto mong dagdagan at bawasan mo kung gusto mong bawasan :)