👤

8. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa marami pa ring
mga Pilipino ang nangingibang bansa. Alin sa sumusunod ang hindi prayoridad ng mga
Pilipino upang umalis ng bansa?
A. upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan
B. ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
C. upang maging domestic workers at magkaroon ng maayos na trabaho
D. ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi matutumbasan
9. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong siya ng
kaniyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto.
Inuutusan siyang gumising ng alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng
madaling araw. Minsan isang buong magdamag siyang namalantsa ng mga damit ng
kaniyang amo. Ano ang naging situwasyon ni Lucy?
A. forced labor C. remittance
B. human trafficking D. slavery
10. Bakit kinakailangan ng ibang mga magulang ang magtrabaho at mapalayo sa kanilang
pamilya?
A. Gusto nilang gastusin ang pera nila dahil sobra-sobra na ito para makapamasyal.
B. Gusto nilang mag-abroad dahil sa kanilang mga anak at asawa, sa kabila nito ay para
Sa kanilang ikauunlad ng pamumuhay.
C. Gusto nilang masiyahan dahil makakapamasyal sila sa mga magagandang lugar na
mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa.
D. Gusto nilang makapagpupundar ng mga mamahaling ari-arian at maiangat ang
kanilang pamumuhay at apihin ang dating nang-api sa kanila.
11. Alin sa mga sumusunod ay ang positibong epekto ang naidudulot ng migrasyon sa
pamilya?
A. pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan
B. makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar
C. pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon
D. matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas
maginhawang pamumuhay ng pamilya
12. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing
anihan, kaya napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan
sa kanyang mga kapatid. Hindi naman siya nangulila, sapagkat may komunikasyon
naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng migrasyon sa
buhay ni Junjun?
A. ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
B. ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
C. ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
D. ang pagtangkilik sa gawang dayuhan
13. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga banyagang musika na mula sa Amerika,
Espanya at Korea. Sa kadahilang ito, mangilan-ilan na lamang ang tumatangkilik sa
musikang Pinoy. Anong paraan ang mabisang pang-iwas sa epektong ito sa pagbabago
sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay ng kabataang Pinoy?
A. ang pagtangkilik sa sariling gawang Pilipino
B. ang hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon
C. huwag papansinin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay
D. ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang​