Sagot :
Sagot:
Para sa akin ay oo, dahil ito ang pangunahing daan upang makaalam ng mga bagong balita o impormasyon sa araw-araw. Sa pamamagitan ng telebisyon at radyo, naihahatid ang mga mensahe kahit nasa bahay tayo o kahit nasaan man tayong lugar. Gayundin, nakakaalam rin dito ang mga kalagayan ng bansa natin kasama dito ang klima, pagtaas ng mga bilihin, mga opinyon na kailangan ng mga tao.
Ano nga ba ang Mass media?
Ito ay nagsisilbing daan upang maipaabot sa maraming tao ang mga detalye at impormasyon. Tumutukoy rin ito sa malawakang paghahatid o kaya pamamaraan ng komunikasyon sa madla. Tinatawag rin itong pangmasang media o kaya naman pang-malang media sa ating wikang Filipino. (brainly.ph/question/7733640).
Ang layunin ng mass media ay makapagbigay o makapaghatid ng kinakailangan mensahe o kaya balita sa publiko para malaman ng maraming tao ang pangyayari sa ating bansa at maging sa ibang mga lugar. Kaya pinakikita nito na malaki ang naitutulong nito sa buhay ng bawat tao. Nagsisilbing daan ito upang makaalam ng mga nararapat na detalye na kailangan alamin habang nabubuhay sa lupang ginagalawan. Malaki ang naisusulong nito hindi lang sa pagbibigay impormasyon o balita, kundi ginagamit rin ang mga ito upang makapaglibang o kaya magamit sa paraan ng pagnenegosyo.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mass media ay:
- Dyaryo
- Telebisyon
- Radyo
- Social media
- Internet
- Magasin
Magtungo pa at magbasa sa link na ito ng karagdagang impormasyon may kaugnayan sa paksa:
Kahalagahan ng mass media: brainly.ph/question/2320996
Mabutign epekto ng telebisyon: brainly.ph/question/445016
#BrainlyEveryday