👤

Ano po ba ang talata​

Sagot :

Answer:

Ang talata o talataan ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap[1] na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o paksang-diwa.

MGA BAHAGI NG TALATA

Panimulang talata – ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon. Ang layunin nito ay ang ipahayag ang paksa ng komposisyon.

Talatang ganap – makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang paunlarin ang pangunahing paksa.

Talata ng paglilipat-diwa – mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.

Talatang pabuod – madalas na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.