👤

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang I kung ang pangungusap ay Tama
at M kung Mali. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng pagkamapanagutan dahil ang
taong responsable ay ginagawa ang kaniyang sinasabi.
-2. Ang pagtupad sa pangako ay hindi nagpapakita ng iyong katapatan sa kapwa.
3. Hindi kailangan mag-isip nang mabuti bago magbigay ng pangako at ang kaya mo
lamang gawin ang dapat ipangako.
4. Magsinungaling na lamang kapag hindi natupad ang ipinangako o kasunduan.
5. Humingi ng paumanhin kung sakali man na hindi natupad ang ipinangako o
napagkasunduan.
6. Anuman ang binitawan na salita ay dapat gawing biro lamang at balewalain.
7. Ang bawat pangako na binibitawan ay may bigkis na pananagutang dapat itong tuparin.
8. Hindi mahalaga ang pagtupad sa ipinangako dahil ang pangako ay maaaring mapako.
9. Nagkakaroon ng tiwala ang ibang tao sa iyo kapag hindi ka marunong tumupad sa
pangako o usapan
10.Laging isipin na "Ang pangako ay pangako." Walang simple o kumplikado o kaya
mahirap o madaling gawing pangako dahil ang laging nakabigkis sa ating salita ay ang
pananagutan sa pagtupad nito.​