Ang Likas na Yaman Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang mayamang kagubatan na katatagpuan ng iba't ibang uri ng punungkahoy, ibon, at hayop. Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga likas na yamang iyo'y unti-unti nang naglalaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga puno sa ating mga kabundukan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop na naninirahan dito. Wala na ang mga ugat ng mga punungkahoy na sumisipsip ng tubig kaya't madalas ang pagbaha. Sino kaya ang maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang mamamayang Pilipino, paano natin maililigtas ang ating kagubatan at kapaligiran na patuloy na sinisira ng ibang kababayan natin? Liwanag. Ang Likas na Yaman. 96 Sagutin: Ano kaya ang mangyayari sa mga likas na yaman ng ating bansa kung hundi magbabago ang mga tao sa kanilang ginagawa? Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot batay sa inyong karanasan at kaalaman.