👤

3. Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa iyong research project sa Edukasyon sa
Pagpapakatao
Biyayang Natanggap
Paraan ng Pasasalamat:
4. Natuklasan mong ipinagpaliban ng iyong nanay ang kaniyang check-up sa doctor upang
mabigyan ka ng isang party sa iyong kaarawan.
Blyayang Natanggap:
Paraan ng Pasasalamat:
5. Nakita mo ang isang pulis na tinutulungang tumawid ang isang matandang pulubi.
Biyayang Natanggap:​


Sagot :

Sa mga biyayang natatanggap natin, maliit man o malaki, matutuhan na maging mapagpasalamat sa taong nagbigay o tumulong sa atin. Sa pamamagitan nito nasisiyahan tayo at napapaligaya rin natin ang iba sa paraan ng pasasalamat.

Unang sitwasyon

Biyayang natanggap: Naunawaan ko ang pagtuturo sa akin ng nakakatandang kapatid ko hinggil sa aking research project. Nagkaroon ako ng kalinawan at kaalaman hinggil dito. At alam ko na kung ano ang gagawin ko.

Paraan ng pasasalamat: Maaari akong magsabi ng direkta sa kaniya ng salamat. O kaya naman bigyan siya ng merienda pagkatapos niya akong turuan. O bigyan siya ng regalo na isang paraan rin ng pagpapasalamat sa kabutihan niya sa akin.

Ikalawang sitwasyon

Biyayang natanggap: Nagkaroon ako ng isang selebrasyon o party sa aking kaarawan at naging masaya dahil sa ganitong bagay.

Paraan ng pasasalamat: Maaari ko siyang bigyan ng bagay na nakakapagpasaya sa kaniya bilang pasasalamat ko sa sakripisyo niyang ginawa alang-alang sa akin. Isa pa, maaari ko rin iparamdam sa kaniya sa paraan ng pagyakap at paghalik sa kaniya na tunay kong napahalagahan ang party na isinaayos niya sa akin.

Ikatlong sitwasyon

Biyayang natanggap: Nagkaroon ako impresyon na may mga tao parin na mabubuti ang kalooban. At gayundin, natanggap ko ang saloobin ng pagiging maligaya dahil sa pagtulong ng iba kahit magkakaiba man ng kalagayan o antas ng pamumuhay.

Paraan ng pasasalamat: Maaari akong lumapit sa pulis sa pagsasabi ng salamat dahil sa kaniyang pinakitang mabuting loob sa matandang pulubi na tumawid. Magagawa ko rin ito sa pagbibigay parangal sa kaniyang ikinilos at komendahan ang ginawa niya.

Alalahanin natin lagi na sa lahat ng pagkakataon magsikap ng husto na maging mapagpasalamat. Huwag natin kalimutan itong gawin. Kaya anuman ang pagpapalang natatanggap natin sa araw-araw, lagi tayong maging mapagpasalamat dahil malaking tulong ito mismo sa ating at lalong higit sa mga taong makakasalamuha natin.

Kung ikaw ay may pagnanais pa makapagbasa ng higit pang detalye hinggil sa paksa, maaari kang bumisita dito sa mga link na ito:

Ang kahulugan ng salitang pasasalamat: brainly.ph/question/1036809

Isang pasasalamat para sa ating mga magulang: brainly.ph/question/2508353

Isang liham ng pasasalamat sa ating Diyos: brainly.ph/question/2158241

#BrainlyEveryday