Sagot :
Answer:
Tarlac:
Ang Tarlac ay isang walang pampang na lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Lungsod ng Tarlac ang kapital nito. Napapaligiran ang Tarlac ng Pangasinan sa hilaga, Nueva Ecija sa silangan, Pampanga sa timog, at Zambales sa kanluran.
Matatagpuan ang lalawigan sa gitna ng gitnang kapatagan ng Luzon, at napalilubutan ng mga lalawigan ng Pampanga sa timog, Nueva Ecija sa silangan, Pangasinan sa hiliaga, at Zambales sa kanluran. Tinatayang 75% ng lalawigan ay patag samantalang ang nalalabing bahagdan ay maburol hanggang sa mabundok.
Nueva Ecija:
Ang Nueva Ecija (Filipino: Bagong Esiha/Nuweba Esija) ay isang walang pampang na lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kapital nito. Napapalibutan ang Nueva Ecija ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan at Aurora.
Tinuturing na pangunahing nagpapatubo ng palay na lalawigan sa Pilipinas ang Nueva Ecija. At saka ang nangungunang taga-gawa ng mga sibuyas (sa munisipalidad ng Bongabon) sa Timog-silangang Asya. Sikat din rito ang mga Gatas ng Kalabaw, mga gulay at prutas na inaani ng Nueva Ecija.