1. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo sa mga pahayag na ito? A. pagkaawa B. pagkagalit C. pagkainis D. pagkatuwa 2. Mula sa Matrilinear ay mabilis na nagbago ang pamamahala at pagsasalin ng trong patungo sa Patrilinear. Dahil dito, ang trono ng Pate sa Kenya ay pinamahalaan ng A. kababaihan B. kalalakihan C. dugong maharlika D. matatanda sa lipunan 3. Ito ang katangian ni Liongo na nagpapatunay na siya ay tauhan sa isang akdang mitolohiya. A. sikat na makata C. matipuno ang katawan B. mahusay pumana D. mataas tulad ng higante 4. Piliin ang pinakaangkop na salin ng kasabihan sa Ingles na, "Health is wealth". A. Ang malusog ay mayaman, C. Daig ng malusog ang mayaman B. Ang kalusugan ay kayamanan.D. Mas mahalaga ang yaman kaysa kalusugan 5. Piliin ang pahayag na hindi naglalarawan sa mitolohiya bilang akdang pampanitikan. A. Tumatalakay sa kultura at sa mga diyos o bathala. B. Kuwento ng mga tao at ng mga mahiwagang nilikha. C. Nagsasaad ng saloobin o pananaw ng may-akda tungkol sa mga bagay- bagay. D. Tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.