👤

Pagsasanay 3: Suriin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ano ang
pagkakaiba ng kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng hinto at intonasyon.
Isulat sa linya ang inyong sagot.
1. Tito Juan Anton ang pangalan niya.
A. Pinakilala mo ang iyong kaibigan sa iyong tito.
B. Pinakilala mo iyong kaibigan sa iyong tito Juan.
2. Padre Martin ang tatay ko.
A. Ipinakilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa iyong kaibigan.
B. Ipinakilala mo sa isang pari ang iyong tatay na si Martin
3. Jose Antonio Bernardo ang kaibigan ko.
A. Pinakilala mo ang buong pangalan ng iyong kaibigan.
B. Pinakilala mo iyong kaibigan kay Jose.​