👤

.Panuto: Isulat ang L kung LANTAY, PH kung PAHAMBING, at PS kung PASUKDOL ang mga salitang nakabold.
1.Masama ang laruang nagtuturo ng karahasan.

2.Tinuturuan nito ang mga batang maging marahas.

3.Mas mabuti sa bata kung gagabayan sila ng mga magulang.

4.Pinakamabuti sa bata kung gagabayan sila ng mga magulang.

5.Maging ang maliliit na laruan ay mabubuti rin.

6.Kung ako ang pipili ay mas mahusay pa rin sa akin ang aklat kaysa sa laruan.

7.Pero siyempre pa, ang bata ay maaaring pumili kung alin ang pinakagusto niyang laruan.

8.Ang magagawa lamang ng magulang ay gabayan siya upang makita kung alin ang mas tamang laruan.

9.Di-gaanong epektibo ang magulang na mamimilit sa anak.

10.Pinakamainam na paraan pa rin ang pagbibigay sa bata ng pagkakataong matuto.