👤

mahalagang kontribusyon ng mga intsik??


Sagot :

Explanation:

PAMANA NG KABIHASNANG TSINO

Ang bawat dinastiyang nangibabaw sa China ay nag-iwan ng mga dakilang pamana sa sang katauhan. Sa panahon ng Shang, nagkaroon ng isang sistema ng pagsulat ang China at nagsimulang gumamit ng tanso sa metalurhiya. Sa ilalim ng Zhou, mga kaisipan at pilosopiya ng mga Tsinong iskolar ang naging pangunahing ambag ng panahong ito.

Sa panahon ng Qin, tinatayang isang milyong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang Great Wall of China sa ilalim ni Shi Huang Di, ang unang emperador mg China.

Sa ilalim ng Han, nalikha naman ang papel at porselana. Pinaigting din ng Silk Road ang kalakalan sa pagitan ng China at Europa. Ang silk o seda ay isang mahalagang produktong Tsino na ikinakalakal mula China patungong Mediterranean.

Ang ilan pang praktikal na kagamitang nalikha ng mga Tsino ay ang wheelbarrow, mill wheel, wayer clock at sundial. Sa larangan ng medisina, ang acupuncture ay isang mahalagang kontribusyon ng mga Tsino sa kasalukuyang panahon.

Ang iba pang kontribusyong Tsino ay chopstick, abacus, payong, pamaypay at saranggola. Ang paniniwala sa feng shui o geomancy ay nagmula rin sa mga Tsino. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbabakanse ng yin at yang upang makapagdulot ng mgandang kinabukasan sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan: malambot at kalmado. Samantala, ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan: matigas at masigla.