👤

PANGKALAHATANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag. Piliin at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi

nagtatapos. Ang pahayag ay:

A. Mali, natatapos na ito sa pagkamatay ng tao

B. Tama, ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong

hangganan

C. Tama, hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang

nagpapahinga

D. Mali, kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto

na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin.

2. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip MALIBAN sa:

A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala

B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran

C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya

D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng

buhay

3. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

A. mag-isip

B. magpasya

C. umunawa

D. magtimbang ng esensya ng mga bagay

4. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang _____________.

A. kaalaman

B. kabutihan

C. karunungan

D. katotohanan

5. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:

A. Tama, wala itong taglay na panlabas na kamalayan

B. Mali, nakikilala nito ang gawaing mabuti at masama

C. Mali, may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin

D. Tama, umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip

6. Ang tao ay may tungkuling _______________, ang isip at kilos-loob.

A. sanayin, paunlarin at gawing ganap

B. kilalanin, sanayin at gawing ganap

C. kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap

D. wala sa nabanggit
7. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran; kilos-loob: _________

A. kapangyahirang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos

B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili

C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang

pasya

D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi

ang nadarama

8. Ang tao ay ganap na nilikha ng Diyos kaysa halaman at hayop. Ang

pahayag na ito ay:

A. Tama, lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos

B. Mali, ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga

magulang

C. Tama, may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mga halaman

at hayop.

D. Mali, katulad ng tao ay mayroon pangangailangan din silang

alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.

9. Mapamahalaan ng tao ang kanyang kilos sa pamamagitan ng:

A. tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.

B. pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina.

C. pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.

D. pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.

10. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang

kaibigan sa oras ng pasulit. Nang ipinatawag siya ng guro sinabi

niya na napilitan lang siyang gawin ito dahil sa pangungulit ng

kanyang kaibigan. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong

ito?

A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak

ng epekto nito para sa sarili.

B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa

kakayahan ng kapwang akuin ang pagkakamali.

C. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda

ng kilos para sa kanyang sarili.

D. Lahat ng nabanggit​