Gawain 1. Panimulang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI kung di-wasto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel 1. Ang Imperyalismo ay pag-iimpluwesiya, pagkontrol at pananakop ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa. 2. Ang isang maliit na pangkat ay nagiging imperyo sa pamamagitan ng pagpapalaki ng teritoryo at pananakop ng ibang lupain. 3. Kinakailangan ng malakas na pinuno upang makapanakop ng ibang bansa, 4. Ang mga kanluranin ay naghangad na makapanakop ng ng mga lupain sa Timog at Kanlurang Asya. 5. Isa sa mga dahilan kung bakit nasasakop ang isang bansa ay ang kawalan ng pagkakaisa ng mga tao sa bansang sinakop.