Sagot :
Answer:
Marso 1901 nang bumagsak sa kamay ng mga Amerikano si Gen. Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Alam nyo ba kung anong “drama" ang ginamit ng tropa ng US upang mahuli ang kinikilalang unang pangulo ng Pilipinas? Matapos ang sunod-sunod na kabiguan sa pakikidigma, nahati sa maliliit na pangkat ang sandatahang lakas ng pamahalaan ni Aguinaldo upang ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa pananakop na US sa paraang guerrilla. Sinabing nakatanggap ng impormasyon ang tropa ni US Brig. Gen. Frederick Funston na nangangailangan si Aguinaldo ng dagdag na tropa sa kanyang kuta sa bundok ng Palanan. Ngunit batid nila na hindi nila basta-basta mapapasok ang kuta ni Aguinaldo kaya nag-isip sila ng “drama" kung papaano makakalapit sa “rebeldeng" heneral. Isang pangkat ng mga sundalong Filipino mula sa Pampanga na kaalyado ng US ang ginamit nilang kasabwat sa “drama" sa gagawing pagsalakay kay Aguinaldo. Nagkunwaring mga rebelde ang mga sundalong Pinoy at kunwaring may dala silang bihag na mga Amerikano kasama na si Funston. Kasama rin umano sa eksena ang dalawang dating Army officers na sina Tal Placido at Lazaro Segovia na kapwa sumuko noon sa US. Dahil sa husay ng pag-arte ng mga Pinoy na sundalo, napaniwala nila ang mga kabig ni Aguinaldo at malaya silang nakapasok sa kuta nito. Nang nasa loob na ng kuta, agad na isinagawa ng tropa ng US at mga kasabwat na Filipino ang pag-aresto kay Aguinaldo na pinamahalaan nina Placido. Dinala si Aguinaldo sa Malacañang at doon ay kinumbinsing itigil na ang pakikipaglaban sa US. -