👤

ano ang meaning ng panghalip panao?​

Sagot :

Explanation:

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap.

Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao - mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao". Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. (ako, akin, amin, kami, atb.)

HALIMBAWA;

Ako ay aalis bukas ng umaga.

Nasa akin ang bolang kristal.

2. Panghalip na Pananong - mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong". Pinaghahalili sa pangngalan sa paraang patanong. (sino, ilan, ano-ano, sino-sino, atb.)

HALIMBAWA:

Sino ang pangulo ng Pilipinas?

Ano ang binili mo sa palengke?

3. Panghalip na Panaklaw - mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop". Literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak. (lahat, sinuman , alinman, anuman, atb.)

HALIMBAWA:

Lahat ng parusa ay haharapin ko.

Alinman sa mga prustas na ito ay masarap.

4. Panghalip na Pamatlig - ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na tinuturo o inihihimaton. (ito, iyon, iyan, doon,diyan, niyan, atb)

HALIMBAWA:

Iyon ang kaibigan ni Ana.

Iiwan niya ang bag doon.

Ang panghalip panao ay salita o katagang panghalili sa pangalan. Humahalili ito sa ngalan ng tao.