👤

Nangako sa iyo ang nakatatanda mong kapatid na sabay kayong magiging matagumpay sa buhay at patuloy na magsisikap sa kabila ng kahirapan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napako ang pangako ninyo sa isa't isa at ikaw na lamang ang nagpatuloy sa inyong adhikain. Sa kabila noon, patuloy mo pa rin siyang sinuportahan sa kanyang mga kakulangan. Dumating muli ang panahon na siya ay lumapit sa iyo at humihingi ng tulong ngunit sa unang pagkakataon ay tinanggihan mo ito.

1.) Akma ba sa sitwasyon ang kasabihang "Ang lahat ng bagay ay may hangganan"? Ipaliwanag.
​