👤

Ilan ang uri ng patakarang piskal?

Sagot :

Answer:Kahulugan ng Patakarang Piskal

Patakarang Piskal- Ito ay ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang maging matatag ang pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng paghahanda ng badyet, pangungulekta ng buwis, at paggamit ng pondo.

Para sa karagdagang ideya tungkol sa paksang ito maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang konsepto ng patakarang piskal: brainly.ph/question/1127555

Layunin ng Patakarang Piskal

1. Mapatatag ang Ekonomiya ng Bansa

Walang malaking biglaang pagbabago sa takbo ng ekonomiya .

May mababang implasyon .

Patuloy na tumataas ang produksyon .

2. Mapasigla ang Ekonomiya

Pagtaas ng antas o dami ng produkto at paglilingkod na napo-produce ng  ekonomiya sa isang partikular na panahon .

Nagkakaroon ng pagbabago sa teknolohiya at positibong puwersang panlabas .

Dalawang Uri ng Patakarang Piskal

1. Expansionary Fiscal Policy

Layunin nito na mapasigla ang pambansang ekonomiya, sa pamamagitan ng pagtaas ng paggasta ng pamahalaan at pagbawas ng halagang ibinabayad na buwis.

May layuning mabawasan ang kawalan ng trabaho sa bansa.

Maaaring taasan ang sahod ng mga manggagawa o bawasan ang kanilang buwis para mahikayat silang gumastos at bumili ng mga produkto .

Ang mga producer naman ay mahihikayat na magdagdag ng produksyon at kumuha ng dagdag na mga manggagawa

Maaring magdulot ng kaunting implasyon .

2. Contractionary Fiscal Policy

Layunin nito na mabawasan ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya, sa pamamagitan ng pagbabawas sa paggasta ng pamahalaan at pagtaas ng halagang binabayaran na buwis.

Mapipilitan ang mga consumer na magtipid o bawasan ang kanilang paggastos.

Para mahikayat ang mga consumer na bumili ng produkto, ibababa ng mga   producer ang presyo ng mga produkto at serbisyo.

Kabaligtaran ng expansionary fiscal policy.

Mapipilitan ang mga consumer na magtipid o bawasan ang kanilang paggastos.

Mababawasan ang dami ng produkto o serbisyong bibilhin sa pamilihan.

Malalabanan nito ang implasyon ngunit maaaring magdulot ng kawalan ng trabaho.

Pinagmulan ng Kita ng Pamahalaan

1. Kita mula sa buwis- ito ay binubuo ng mga buwis sa personal na kita  at kitang pang-negosyo, pag-aari, Vat at iba pang buwis.

2. Kitang di-mula sa buwis- binubuo ito ng mga kita mula sa mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, sa pagbibigay ng mga lisensya at sertipiko at mula sa interes sa pagpapautang.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Kita ng Pamahalaan maaaring i-click ang link na ito: Ano ang kahulugan ng pambansang kita?

brainly.ph/question/480236

Ano ang Buwis o (tax)?

-Ito ay salapi na sapilitang sinisingil ng pamahalaan sa mga mamamayan.

-Ito ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa mga ari-arian, tubo, kalakal o serbisyo.

-Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng pamahalaan.

Mga Pamantayan sa Pagbubuwis

Pagkakapantay-pantay

May equity sa pagbubuwis, kung parehong buwis ang ipinapataw sa mga mamamayang nasa parehong sitwasyon.

Katiyakan

Dapat ay tuloy ng mamamayan kung anong buwis ang dapat siyang bayaraang halaga ng dapat bayaran, at paraaan ng pagbabayad.

Ekonomiya

Hindi dapat lubhang magastos ang pagbubuwis para sa pamahalaan .

Kaginhawaan

Hindi dapat maging pabigat ang pagbubuwis sa puntong makakaapekto ang ito sa pangkalahatang operasyon.

Uri ng Buwis ayon sa Layunin

Para Kumita

Pangunahing layunin ng Pamahalaan na ipataw ang mga buwis na may ganitong uri upang makalikom ng pondo para magamit sa mga operasyon nito.

Mga halimbawa ng buwis na may layuning para kumita :

Sales tax

Buwis na ipinapataw sa pinakahuling nagkonsumo ng produkto .

Income tax

Buwis na ipinapataw sa kita ng tao o kompanya .

Para magregularisa

Ipinapataw ang ganitong uri ng buwis upang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o negosyo .

Sin tax

Isang uri ng buwis naglalayuning magregularisa, ipinapataw sa mga sin products tulad ng alak at tabako .

Para magsilbing proteksyon

Ipinapataw upang mapangalagaan ang interes ng hindi matatag na sektor o ang lokal na ekonomiya mula sa dayuhang kompetisyon .

Taripa

Uri ng buwis na naglalayuning magsilbing proteksyon; ipinapataw sa mga binibiling imported na produkto .

Uri ng Buwis ayon sa kung sino ang apektado

1. Tuwiran

Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal.

Withholding tax

Uri ng buwis na tuwirang ipinapataw; buwis na kinakaylangan ibawas ng isang taxpayer mula sa kinita ng mga indibidwal .

2. Di-tuwiran

Buwis na ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwirang ipinapataw sa mga individwal .

Value added tax

Uri ng buwis na di tuwirang ipinapataw; buwis na ipinapataw sa halaga ng produkto at serbisyo na kinokonsumo ng tao .

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa buwis maaaring magpunta sa link na ito:

Tawag sa kita mula sa buwis

Explanation:

Answer:

2. Panimula: • Isang malaking sulirarin ng pambansang ekonomiya ang inflation. • Ngunit may mga hakbang na maaring gawin ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto nito sa mga konsyumer.

3. Patakarang Piskal (Fiscal Policy) • Ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang mapatatag ang pambansang ekonomiya. • Nakapaloob dito ang: • paghahanda ng badyet, • pangungulekta ng buwis • paggamit ng pondo.