👤

Ano-ano ang mabuting

naidudulot ng mga barkada

o kaibigan ayon sa kanta?​


Sagot :

Answer:

Kaibigan

Ang kaibigan o barkada ay hindi basta-basta mahahanap, hindi maaaring pagkakita mo sa isang tao ay mararamdaman mo na magiging malapit kayo sa isa’t isa. Dumadaan ito sa isang mahabang proseso. Kaya pahalagahan ang pagkakaibigan na mayroon ka ngayon dahil ang mga kaibigan ay maituturing na biyaya sa atin ng Panginoon.

Mabuting naidudulot ng mga barkada o kaibigan

Ang isang kaibigan ay maituturing ng isang kapatid sapagkat palagi siyang andiyan sa panahon ng pangangailangan.

Magpapagaan ng iyong kalooban kapag humaharap ka sa isang problema o sa isang pagsubok.

Maging tapat, totoo sa nararamdaman at maasahan.

Katulong mo sa mga bagay na gusto mo at nahihirapan kang gawin.

Karamay sa lahat ng hirap.

Kasama mo sa hirap at sa ginhawa.

Magsasabi sa'yo ng mga bagay na tama at maling gawin.

Masasandalan mo sa oras ng pangangailangan.

Magpaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa at may kakampi ka sa bawat hamon at pagsubok.

Magpapalakas at magpapatatag ng iyong kalooban.

Tutulong sa'yo para maging isang mabuting tao.

Magpapaintindi sa'yo sa mga pagkakamaling iyong nagawa.