👤

pang halip,panguri,pang abay ,pangalan


Sagot :

Answer:

(mga content word)

Mga nominal

a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.

b. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.

Mga panuring (mga modifier)

a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip

b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay

Aswer and Explanation:


Pang halip:

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".


Pang uri:

ang pang uri ay bahagi ng pananalita na binubuo ng mga salitang nag papakilala ng kaanyuan o kalagayan ng mga pangngalan o panghalip.


halimbawa:
may malaki at maliit na bahay sa ibat ibang pamayanan.
noon pa man ay naging masikap na sila upang maging maunlad tayo.


Pang abay:

Ang pang-abay ay isang salita na naglalarawan sa isang pandiwa, pang-uri, o sa kapwa nito pang -abay. Ang mga pang -abay ay kadalasang nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Ito rin ay ang pagsagot sa mga tanong tulad ng kung paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.


Upang malaman ang mas maraming detalye ukol sa kahulugan ng pang -abay, pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/495524


Limang halimbawa ng pang - abay:


1. Sinuntok ko siya nang malakas.

2. Parang ayoko nang pumunta sa lugar nina Elmer.

3. Tunay na marangal ang pamilya ni Jojo.

4. Ayaw kong sumama sa iyo.

5. Saan po maaring makakuha ng libreng tubig?

Upang malaman ang mas maraming detalye ukol sa halimbawa ng pang -abay, pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/86818


May iba't ibang uri ng Pang - abay:
1. Pamanahon
2. Panlunan
3. Pamaraan
4. Pang-agam
5. Panang-ayon
6. Pananggi
7. Panggaano o Pampanukat
8. Pamitagan
9. Panulad


Upang malaman ang mas maraming detalye ukol iba't ibang uri ng Pang - abay, pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/672409



Pang - abay na Pamanahon - Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos.

Mayroon itong tatlong (3) uri:

•may pananda
•walang pananda
•nagsasaad ng dalas


Pang -abay na Panlunan - Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari.


Pang - abay na Pamaraan - Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa nito ay ang ng at na.

Pang -abay na Pang-agam - Ito ay nagsasaad ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa nito ay ang salitang baka.

Pang -abay na Panang-ayon - Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa pangungusap. Halimbawa nito ay ang mga salitang oo at syempre.

Pang -abay na Pananggi - Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Halimbawa nito ang mga salitang hindi at ayaw.

Pang -abay na Panggaano o Pampanukat - Ito ay nagsasaad ng bigat o sukat ng pinag-uusapan sa pangungusap.

Pang -abay na Pamitagan - Ito ay nagsasaad ng paggalang.

Pang -abay na Panulad - Ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay sa pangungusap o pagkukumpara.


Pangalan:

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa pangalan ng tao, lugar, bagay, o hayop.


ang pangngalan ay ang tinatawag na noun sa ingles. ito ay mga salitang nagbibigay ngalan sa isang bagay. ito ay pangalan ng tao , lugar, bagay, pangyayari at marami pang iba.


Sana po nakatulong ginawa ko payan March 2 ang oras po 1:51 makatulog na nga nakakapagod sana malaki points hh