Sagot :
Answer:
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init o ang Palaro ng Olimpiyada ay isang pandaigdigang paligsahan sa pampalakasan, na karaniwang ginaganap tuwing apat na taon, at isinaayos ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. Iginagawad ang mga sumusunod na medalya sa bawat kaganapan, gintong medalya para sa unang puwesto, pilak para sa ikalawa at tanso para sa ikatlo, isang kaugalian na sinimulan noong 1904. Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig ay nilikha rin matapos ang tagumpay ng Palarong Olimpiko sa Tag-init.