Ang bawat tugtugin ay nagtataglay ng iba't ibang tono. Karaniwang ginagamit ang mga simbolong sharp (#), flat (b) at natural sign (5) sa pagtukoy ng pagbabago sa tonong ginamit sa awit. Ang mga ito ay tinatawag rin na mga accidentals Ang sharp () ay naghuhudyat na ang isang tono ay dapat awitin o tugtugin ng kalahating hakbang pataas. Pagmasdan ang halimbawa sa ibaba. Sa staff, ang sharp ay inilalagay bago ng note na co do. Sa keyboard, tinutugtog ang itim na tiklado kasunod ng C. Ang C# ay mas mataas ng kalahating hakbang o half step sa C.