MABUTING KILOS MASAMANG KILOS MGA SITWASYON 1. Sa panahon ng pandemya, minabuti ni Anita na mamalagi sa kanilang bahay upang makaiwas sa sakit. Subalit kailangan niyang lumabas upang bumili ng gamot para sa kaniyang ina na may sakit siya ay nagsuot ng face mask at face shield upang maprotektahan ang kaniyang sarili laban sa virus 2. Ibinigay ni Titser Andie ang Self-Learning Module ni Steven para gawin ito sa loob ng apat na araw. Kailangan niyang maipasa ito sa Biyernes. Nakagiliwan niyang maglaro ng computer games kaya wala siyang nagawa. Para mayroon siyang maipasa, ipinagawa niya ito sa kanyang kapatid. 3. Matulungin si Mang Eming sa mga nangangailangan. Dahil dito, kilala siya sa kanilang barangay at palagi siyang nilalapitan kapag mayroon silang kailangan lalo na sa pinansiyal. Ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay galing sa pagnanakaw. 4. Mahirap ang buhay nila Haydie. Dahil sa kahirapan, kulang na kulang ang kaniyang baon sa pagpasok niya sa paaralan, subalit matatag ang kaniyang desisyon na makapagtapos sa pag-aaral. Dahil sa kaniyang ambisyon, nagtatrabaho siya tuwing Sabado kina Aling Nancy upang maglinis sa kanilang bakuran para may pandagdag sa kaniyang allowance