A.Isulat ang kung ang bahaging may salungguhit ay sanhi at B kung bunga. 1. Araw-araw ay maraming namimili sa Bagong Palengke sapagkat mura ang mga bilihin doon. 2. Palaging masaya ang mga mag-aaral ni Gng. Salazar dahil sa magagandang kuwentong isinasalaysay niya. 3. Hindi tumunog ang alarma ng aming orasan kaya't nahuli kami sa pagsisimula ng misa. 4.Sinipon si G. Mendoza dahil siya'y naulanan paglabas niya ng opisina kahapon. 5. Nahirapan sa biyaheng Pa-Maynila si Lola Meling dahil nahilo siya sa barkong sinakyan niya. 6.Nagsusuot ng jacket ang mga turista sa Baguio dahil sa malamig ang klima doon. 7.Pawisan at nanlalagkit ang pakiramdam ng mga manlalaro kaya't naisipan nilang maligo sa swimming pool. 8. Palibhasa'y unang pagkakataong nagmaneho nang walang kasama, buong ingat at marahang nagmaneho si Kathryn. 9. Nalulong sa masamang bisyo si Dondon kayat napabayaan niya ang kanyang pag-aaral. 10. Dahil sa bakteryang dala ng hangin, lumaganap ang sakit na tigdas sa Maynila at ilang karatig lalawigan.