A. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng mga sumusunod at MALI kung hindi wasto. 1. Nang sumalakay sina Babur sa India, ang kanilang puwersa ay binubuo ng mga Turko at Mongol na mga Muslim. 2. Si Shah Jahan ay ang emperador na nagpatayo ng Taj Mahal 3. Itinatag ng mga Portuguese ang Bombay bilang kanilang kapital sa Asya noong 1510. 4. Bilang bahagi ng pananakop, ipinakilala ng mga Portuguese sa India ang relihiyong Protestantismo. 5. Noong 1595–1596, inilimbag ni Jan Huyghen van Linschoten ang Itinerario, isang heograpikal na paglalarawan ng Asya. 6. Napatalsik ng mga Dutch ang mga Portuguese sa Ceylon at kinontrol ang produksiyon ng cinnamon mula 1640s. 7. Itinatag ng mga French ang French East India Company noong 1600. 8. Noong 1756, tinalo ng mga British ang mga French sa Labanan sa Plassey. 9. Ang mga pangunahing teritoryo ng Britain sa India ay tinawag na British Columbia. 10. Matapos ang pagbagsak ng British East India Company, nailipat ang kapangyarihan ng pamamahala sa India sa viceroy na kinatawan ng hari ng England.