Isulat ang T kung tama,M kung mali, at O kung isa itong opinyon.
1. Ang bawat bansa ay isa ring estado. 2. Ang isang estado ay maaaring magkaroon ng teritoryo ngunit maaari ding hindi. 3. Soberanya ang nagbibigay kapangyarihan sa isang estado na pasunurin ang mga mamamayan nito sa mga bansa. 4. Ang isang estado ay maaaring buoin ng isa o higit pang mga bansa. 5.Hindi maaaring maging kasapi ng Nagkakaisang mga Bansa(United Nations) ang isang estado. 6. Dapat magsikap ang bawat bansa upang maging isang malayang estado. 7. Ang anumang bansang may kaunlarang pang-ekonomiya ay hindi dapat kilalanin bilang isang estado. 8.Ang isang bansang hindi nakatatayo sa kanyang sarili ay hindi nararapat kilalanin bilang isang estado. 9.Ang isang bansa at ang isang estado ay may mga pagkakatulad at may mga pagkakaiba rin. 10. Ang populasyon ang pinakamahalagang elemento ng isang estado.