Sagot :
Answer:
ANO NGA BA ANG SIMULA NG ATING DAIGDIG AT PAANO NGA BA NAGSIMULA ANG LAHAT?
Dalawang proseso ito na sinasabi sa libro ng 'Genesis' sa 'Bible' tungkol sa paglikha o pagbuo ng Earth. Sa unang historya itinuturo sa mga Kristiyano na ang buong 'Pentecost' sa 'Biblia'; ito iyong mula 'Genesis' hanggang 'Deuteronomy' ay kinatha daw ni Moises at karamihan naman sa ibang Evangelical Christians ay naniniwala sa ganitong kaisipan.
Samantalang ang pinaniniwalaan naman ng mga ibang liberal theologians at may mga pagdududa sa Christian religon ay ibat-ibang author lang daw ang nagsulat ng 'Biblia.' May apat silang sinusunod na tradisyon at lahat ng ideyang iyon ay nanggagaling sa mga Pagano o iyong mga Pagan. Ang mga Pagano ay ang mga taong hindi kumikilala sa Diyos.
Pero may ilang eksperto ang nag-analyze dito at ang 6 na araw na paglikha ng Diyos sa mundo ay sinasabing hindi naman tumutugma ang pagkakasunod ng mga prosesong nabanggit:
Una - Nilikha ng Diyos ang liwanag sa day 1 pero bakit umano ang araw at mga bituin ay hindi pa isinabay. Apat na araw pa ang nakalipas bago niya nilikha ang source of light na tinatawag nating araw at bituin. Ang depensa ng ilang sumusuporta sa liberal na interpretasyon ng paglikha ng mundo, ang liwanag daw mismo ay nanggaling sa Diyos kaya wala raw dapat kuwestiyunin dahil ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat.
Sa ngayon ay may ilang siyentipiko na sumasalungat o iba ang pananaw sa nabanggit na teyorya. Sa kanilang mga tingin daw ang mga nadiskubre sa siyensiya ay hindi nagpapahiwatig sa paglikha ng Diyos o pagkakaroon ng Diyos. Sa kanilang siyentipikong paniniwala malayong makakuha ng kasagutan sa mga natuklasan ng siyensiya dahil palaging nagtatalo ang science at religion sa simula palang. Base sa teyoryang ebolusyon ni Charles Darwin noong 1859 ang buong mundo raw ay hindi nilikha sa pamamagitan ng isang tagapaglikha o creator kundi ang lahat ay nabuo sa pamamagitan ng pawang pagkakataon lamang. Ang resulta ay ang pag-gigiit na ang relihiyon ay sadyang taliwas sa siyensiya. Ilan nga lang si Charles Darwin sa tinawag na evolusionist, sila iyong mga hindi talaga kumukuha ng evidence sa science kundi sa philosopy materialism. Naghahanap sila ng butas o binabaluktot nila ang natutuklasan ng siyensiya upang mapaayon ito sa pilosopiyang isinusulong nila. Nagpapatunay na ang paglikha sa mundo, pinagmulan ng tao, hayop at iba pang nilalang ay hindi maaaring ipaliwanag lamang sa pamamagitan ng pagkakataon o iyong tinatawag na coincidences.
Maraming mga siyentipikong nag-iwan ng kani-kanilang mga marka sa mundo ng science na nagpapatunay at patuloy parin na kumukumpirma sa malaking katotohanan. Sa sobrang dami at malawak na ang naging pag-aaral tungkol sa ginagalawan nating mundo lalong nakakamangha ang dulot nito sa atin. Dahil sa higit nating napagtatanto na ang bawat detalye na natutuklasan ay lalong nagbibigay suporta sa paniniwalang ang lahat ay nagmula sa paglikha ng isang enerhiyang hindi man nakikita ay hindi maitatangging umiiral na siyang nagpapainog sa lahat ng bagay at ito'y hindi mapag-aalinlanganan.
Explanation:
STAN TALENT STAN .TREASURE