👤

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Magbasa tungkol sa
mga bagyo at lindol. Ibigay and dating kaalaman at isulat ang bagong
natuklasan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.​


Sagot :

Answer:

  Paghahanda laban sa pagdating ng Sakuna

Sapagkat ang bansang Hapon ay dumadanas ng 4 na panahon (Tag-sibol, Tag-init, Tag-lagas, at Tag-lamig), at may dumarating ang mga sakunang tulad ng malakas na pag-buhos ng ulan (at pagbaha), Bagyo, atbp ayon sa panahon nito. Habang sa panahon ng Tag-sibol hangang sa pagdating ng Tag-init ay madaling bumuhos ang malakas na ulan na nagmumula sa dagat, sa paglapit ng Tag-lagas naman nagsisidatingan ang mga Typhoon o malalaking Bagyo.

Maaaring magdulot ang mga bagyong ito ng mga landslide, pagbabaha, at iba pang sakuna. Maghanda sa pamamagitan ng pag-alam kung saan ang mga mapanganib na lugar, at ang inyong nakatakdang pook-likasan (evacuation center) at iba pa sa inyong lugar. Ugaliin na maging laging handa laban sa pagdating ng sakuna.

Ang bansang Hapon ay kabilang sa mga bansang palagiang dinadatnan ng lindol. Ang lindol ay ang pagyanig ng lupa. Nangyayari ito dahil sa biglang paggalaw ng parte ng bedrock sa ilalim ng lupa.

Kapag nagkaroon ng malaking lindol, maaaring magdulot ng malaking sakuna sa pamamagitan ng pagpatumba ng mga gusali, pagsanhi ng mga sunog, at iba pa. Upang ma-ibsan ang pahamak na dulot ng lindol, ugaliing maghanda laban sa pagdating nito.

Kasama na rito ang paghahanda laban sa tinatayang pagdating ng isang malaking lindol sa distrito ng Tokai -ang “Tokai Jishin”. Gayunpaman na ayon sa historical record, ang nasabing lindol ay dumadating sa distrito ng Tokai bawat 100 -150 taon, at humihigit na sa 150 taon ang lumilipas mula ito huling dumating.

Karaniwan mahirap mataya na kung kailan darating ang lindol, pero tungkol sa Tokai Jishin, may posibilidad na malalaman kung kailan magkakaroon.Sa oras na mataya  na malaki ang posibilidad na parating na ang lindol, ang Prime Minister ng bansang Hapon ay magpapatalastas ng babala o “Keikai Sengen”.

Karagdagan dito, maaaring magkaroon ng napakalaking lindol “Nankai Trough Kyodai Jishin” dahil sa “Tokai Jishin”. Kung nagkaroon ng napakalaking lindol, maaaring magdulot ng malaking sakuna sa iba’t ibang area sa pamamagitan ng pagyanig at tsunami o seismic sea wave.       Para mabawasan ang pinsala kahit konti, naghahanda ang gobyerno para ipaalam sa mamamayan ang mga impormasyon sa pamamagitan ng TV, radio, o iba pang paraan bago mag-lindol o pagka lindol. Kailangan din ninyo kumolekta ng impormasyon at magpasiya kayo sa sarili na lumikas para ipagtanggol ang buhay ninyo ng pamilya.

Gabay sa paghahanda para sa kapahamakan sa siyudad ng Nagoya

NIC Manual ng Kaligtasan  Part1(外部リンク)別ウィンドウ  Part2(外部リンク)別ウィンドウ  Part3(外部リンク)別ウィンドウ

Mga Kahandaan kung may Bagyo

Nagkaroon ng malaking pinsala noong umulan ng napakalakas sa rehiyon ng Tokai noon Setyembre 11 at 12, 2000 at noon Agosto 28 at 29, 2008. Malaki din ang kapinsalaan dahil sa bagyo No.15 noong Setyembre 20 at 21, 2011.

 Ang bagyo ay isang napakalakas na ulan na bumubuhos sa isang lugar sa loob ng maigsing oras o panahon na dumarating bago matapos ang buwan ng tag-ulan. Mahirap itong mahulaan o matantiya sapagkat ang pagdating nito ay biglaan, walang babala, kaya’t kailangang handa sa anumang uri ng bubuhos na ulan.

    Ang ulan at malakas na hangin sanhi ng bagyo, depende sa kung saan dadaan, ay maaaring maging dahilan ng pagbaha at pagkawasak ng mga gusali. Mag-ukol ng mahalagang pansin sa mga palagay tungkol sa panahon kung tag-ulan. Kung may papalapit na bagyo sa inyong lugar, bantayan ang mga ulat sa panahon at mangyaring sundin ang mga sumusunod na paghahanda: