👤

ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demand​

Sagot :

Answer:

Iba’t iba ang mga salik na mayroong epekto sa damand para sa isang uri ng produkto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga ito:

Bagong uri ng teknolohiya - dahilan ito upang piliin ng mga mamimili ang higit na mahusay na gamit dahil sa teknolohiyang taglay nito. Karaniwan ito sa mga gadgets tulad ng tablets, cellphone, at laptop.

Pagbabago ng panlasa ng mga mamimili - ang pabago-bagong uso, lalo na sa pananamit ay dahilan upang bumaba ang demand para sa isang uri ng istilo.

Pagbabago ng presyo ng produkto dahil sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng mga hilaw na materyales na gamit sa paggawa nito  

Pagdami ng kompitensya - sa sitwasyong ito ay mapipilitan ang mga negosyante na ibaba ang presyo ng kanyang produkto upang magpatuloy ang negosyo.

Ang hourding ay isa rin dahilan upang magbago ang demand para sa produkto. Karaniwan itong gawain ng mga namumuhunan sa mga mahalagang produkto gaya ng bigas, karne, gulay, gamot, langis at iba pang pangunahing bilihin.

Natural ang pagbabago na nagaganap sa merkado, ngunit tandaan na ang ilan o marami sa kaganapang ito ay nagiging kasanayan na ng mga tinatawag na cartel. Ito ay binubuo ng mga mamumuhunan upang lubos na pagkakitaan ang mga mamimili lalo na ang mga nahihirapan na sa buhay.

Explanation:

Answer:

Terms in this set (10)

Presyo

pagtaas o pagbaba ng presyo

Kita

Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para sa isang partikular na produkto.

Panlasa

Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo.

Dami ng mamimili

Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect.

Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo

Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa't isa.

Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.

Normal goods

mga produkto na tumataas and demand sa pagtaas ng suweldo

Inferior goods

mga produkto na tumataas and demand sa kasabay sa pagbaba ng suweldo

Complementary goods

mga produkto na nangangailangan ng ibang produkto upang mapakinabangan

Substitute goods

mga produkto na nagbabago ang demand dahil sa ibang produkto na maaaring pamalit