Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa pamamagitan ng online text.
1. Ang _____ ay nagmula sa katuwiran at kusang loob. A. Makataong kilos B. Amoral C. Moral D. Pagkatao
2. Ang _____ naglalarawan ng makataong kilos. A. Makataong kilos B. Amoral C. Moral D. Pagkatao
3. Ang takot ay ______ ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mahal sa buhay. A. Makataong kilos B. Moral C. Pagkabagabag ng isip D. Panlabas na pwersa
4. Ito ay ang pagkiling upang naisin ang isang bagay na mabuti subalit walang kasiguradohan kung ito ay makakamit. A. Pagpili B. Paggamit C. Pagnanais D. Hangarin
5. Ito ay mga kilos na nagmumula sa isip at kilos-loob. A. Kumpleto at sapat B. Pagnanais C. Pagpili D. Katuparan
6. Ito ay ang pagkalugod ng kalooban mula sa pagkamit ng mga bagay na ninanais. A. Pag-gamit B. Hangarin C. Pagsang-ayon D. Katuparan
7. Ang tao ay binubuo ng ____ at____ ayon kay Plato. Ano ang dalawang (2) uri ng kilos ng tao? A. Acts of Human and Acts of Man B. Isip at kilos-loob C. Kagustuhan at karapatan D. Pagpili at pagsang-ayon
8. Ito ay ang kakayahan ng taong isagawa ang kanyang piniling kilos. A. Kaalaman B. Kalayaan C. Moral D. Pagkukusa
9. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng labis na pagluluksa? A. Kamangmangan B. Gawi C. Masidhing damdamin D. Kaharasan
10. Ito ay dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin. A. Takot B. Kaharasan C. Gawi D. Masidhing damdamin
11. Ang susunod ay mga salik na nakakaapekto sa resulta ng kilos maliban sa: A. Layunin B. Kalayaan C. Paraan D. Sirkumstansya
12. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. A. Makataong kilos B. Kilos-loob C. Makatarungang pagkilos D. Masamang kilos
13. Ang _____ ay pinag-isipan ng mabuti at malayang isinagawa ng tao. A. kilos ng tao B. makataong kilos C. moralidad D. pasya
14. Ang _____ ay pagkilos na nagnanais sa mga bagay na gustong makamit. A. kaugnay sa kalooban B. kaugnay sa kilos-loob C. kaugnay sa makatwirang pag-iisip D. kaugnay sa moral na kilos
15. Ang _____ ay ang pagtanggap ng kalooban sa mga pamamaraan na mabisa upang maisakatuparan ang hangarin. A. hangarin B. pagnanais C. pagpili D. pagsang-ayon
16. Ang makataong kilos na sumasang-ayon sa katwiran ay tinatawag na _____. A. Kaugnay sa kalooban B. Kaugnay sa kilos-loob C. Kaugnay sa makatwirang pag-iisip D. Kaugnay sa moral na kilos
17. Ang mga kilos na mula sa ating kalikasan A. Kalayaan B. Kilos ng tao C. Makataong kilos D. Paggawa
18. Ito ay halimbawa ng makataong kilos gamit ang kilos-loob tulad ng pagpapahayag ng intensyon. A. Kaugnayan ng kilos B. Kaugnay sa katawan C. Pautos D. Sangkap
19. Ito ang tawag sa makataong kilos na ginagamitan ng pagsang-ayon o hindi pagsang- ayon sa mga patakaran. A. Kaugnayan ng kilos B. Kaugnay sa katawan C. Pautos D. Sangkap
20. Ito ang tawag sa mga kaalaman, kalayaan at pagkukusa para sa pagsasakatuparan ng makataong kilos. A. Kaugnayan ng kilos B. Kaugnay sa katawan C. Pautos D. Sangkap
II. Isulat ang titik A kung ang pahayag ay Tama at B kung ang pahayag ay Mali.
21. Ang sirkumstansiya ay tumutukoy sa kondisyon o kalagayan ng kilos.
22. Ang layunin ay ang panlabas na na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
23. Ang makataong kilos,ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
24. Ang kaugnayan ng kilos ay halimbawa ng makataong kilos gamit ang kilos-loob tulad ng pagpapahayag ng intensyon.
25. Ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating kagustuhan.
III. Identification
26. Tumutukoy sa isang sitwasyon o kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
27. Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos loob. Ito ang motibo o dahilan kung bakit gagawin ang kilos.
28. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan,batayan,at may kaakibat na Pananagutan.
29. Tumutukoy sa panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.
30. Tumutukoy sa mga kilos kung saan ginagamit ang pagkukusa,kalayaan at kaalaman ng tao.