Sagot :
Answer:
Ang “Dandansóy” ay isang awiting-bayan sa Kabisayaan partikular na sa isla ng Panáy. Ang awiting ito ay nása wikang Hiligaynon.
May apat na saknong na tig-aapat na taludtod ang kanta. May bilang na walo (8) at siyam (9) na pantig ang bawat linya.
Explanation:
Ikinukuwento ng kanta ang pamamaalam kay Dandansoy ng kasintahan na uuwi sa Payaw. Gayunman binibigyan ng babae si Dandansoy ng pagkakataón upang patunayan kung wagas ang pag-ibig. Nása unang saknong ang pamamaalam at pagbibilin kay Dandansoy na kung ito ay mangulila o ‘hidlawon’ ay maaari siyáng makita sa Payaw.