Pagsasanay 3 Panuto: Suriin ang pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng tsek () ang patlang bago ang bilang kung tanggap at walang mali sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa pangungusap. Kung may mali sa pagbabaybay, Isulat sa patlang ang tamang baybay. 1. Dahil sa pandemya, maraming jeepney driver ang hindi nakapasada, na nagbunsod sa mahabang oras ng paglalakad ng mga pasahero. 2. Ang paglalaro ng futbol ay mahigpit na ipinagbabawal sa makabagong panuntunan ng pamahalaan. 3. Nakita ng mga eksperto ang panibagong istrayn ng virus sa mga taong isinalang sa testing.