3. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na dahilan ng pagbagsak ng Kabihasnang Mycenaean?
a. Ang paglusob ng mga mananalakay sa
pangunguna ng mga Dorian
b. Ang malakas na mga natural na kalamidad na sumira sa mga lungsod
c. Ang pagbagsak ngkalakalan na nagdulot nang lubhang kahirapan sa mga mamamayan
d. Ang kahinaan at pagmamalabis ng mga pinunong nagging dahilan ng pag-aalsa ng mga tao 4. Isang taong nahalal upang mamuno sa Roman Republic
para sa isang maikling panahon sa oras ng kagipitan
a. Emperador c. Hari
b. Counsul d. Diktador
5. Ano ang pinagbabatayan sa batas ng Roma?
a. Pagkamakatarungan c. Di pagkapantay pantay
b. Paghihiganti d. Kapangyarihan
6. Ang pamahalaang Griyego ay nahahawig sa ating pamahalaan sa kasalukuyan. Nakikita ito sa ________. a. Organisasyong pampolitika na may tatlong sangay
b. Sistema ng pamamahala ng pangulo na
makapangyarihan
c. Mga karapatang pantao na iginawad ng Saligang
Batas
d. May Saligang Batas na nagtataglay ng mga Karapatan at tungkulin ng mga mamamayan
7. Bakit bumuo ng Republika ang mga Romano?
a. Para hindi sila kontrolado ng hari
b. Upang ang bawat isa ay maaring maging isang
mamamayan
c. Upang ipag tanggol ang kanilang sarili
d. Upang ang mga hukom ay maaaring gumawa ng batas
8. Suriin ang pahayag.
“Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole people. When it s a question of settling
private disputes everyone is equal before the law.. “
– Pericles on his Funeral Oration Ano ang mensahe ng pahayag?
a. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya.
b. Ang kaunlaran ng bansa ay nakasalalay sa
kagustuhan ng mayorya.
c. Nakabastay sa batas at kapakanan ng nakakarami ang pamahalaang demokrasya.
d. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang
saloobin sa pamahalaan.
9. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t-ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Bakit hiwa-hiwalay ang mga lungsod-estado?
a. Iba-iba ang pinagmulan ng mga unang
mamamayan ng Greece.
b. Ang Greece ay nasa timog na bahagi ng Balkan Peninsula sa silangan ng Europe na isang mabundok na lupain.
c. Magaba at maganda ang daungan ng Greece kaya maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado ay makikita rito.
d. Iba’t-iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t-
iba ang kabihasanang umusbong dito.
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
a. nagkaroon ng krises pang-ekonomiya
b. pagsalakay ng mga tribong barbarian
c. mahirap ipagtanggol ang imperyo dahil sa laki
d. kinumbinsi ng agham ang mga tao na ang daigdig ay patag at sila’y mahuhulog din sa dulo.
11. Ano-anong kabihasnang klasikal ang umusbong sa Mesoamerica?
a. Maya, Aztec at Inca
b. Ghana, Mali at Songhai
c. Micronesia, Melanesia at Polynesia
d. Minoan at Mycenaean
12. Ang Africa ay binansagang “The Dark Continent” ng mga kanlurang mananakop. Ano ang ibig nilang ipakahulugan sa katawagang ito?
a. Ang Afrika ay lupain ng mas nakakaraming taong maitim na balat.
b. Ang Afrika ay dumadanas ng matinding kahirapan noon.
c. Ang Africa ay huling kontinente nagalugad ng mga kanluraning mananakop.
d. Ang Afrika ay dumadanas noon ng masamang
kalagayan ng klima o panahon
13. Sa larangan ng pananampalataya, paano napapangalagaan ng Polynesia ang paniniwalang “mana”.
a. Pagbukod ng mga kalalakihang naghahanda sa
digmaan
b. Hindi pakikihalubilo sa kababaihan
c. Hindi pagpasok sa isang banal na lugar ng
karaniwang tao
d. Lahat ng nabanggit
14. Ang Kalakalang Trans-Sahara ay isang masaganang kalakalan na umuunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan sa pamamagitan ng caravan. Bakit ang hayop na kamelyo ang madalas nilang gamitin sa kanilang mga caravan?
a. Dahil ang mga kamelyo ay nabubuhay sa disyerto at angkop sa ganitong anyo ng kalupaan.
b. Dahil ang mga kamelyo ay mabilis gumalaw sa lupaing mainit at mabuhangin.
c. Dahil ang mga kamelyo ay mabibilis tumakbo.
d. Dahil sa kamelyo ay hindi umiinom ng maraming tubig.