👤

ito ang pinaka paksa ng isang dula​

Sagot :

Sagot: Tema

Tumutukoy ito bilang pinakapaksa ng isang dula. Masasabing dito umiikot ang pangunahing paksa sa isang dula. At ito ay may malawak na sakop sa panitikan.

Ano ang ibig sabihin ng dula?

Ang salitang ito ay hango sa Griyego na “drama” na may kahulugan na gawin ito o ikilos. Maituturing na uri ito ng pampanitikan na maaaring may panggagaya sa buhay na ipamalas ito sa isang tanghalan o kaya entablado.

  • Ito ang kahulugan ng dula ayon kay Aristotle: mayroon itong limitasyon o kaya ang tinatawag na panggagagad ng buhay.
  • Ito ang kahulugan ng dula ayon kay Rubel: maituturing na isa ito sa maraming paraan ng pagkukwento.
  • Ito ang kahulugan ng dula ayon kay Sauco: maituturing na uri ng sining na naglalayon na makapagbigay o makapag-ambag ng makabuluhang impormasyon o mensahe sa mga manonood sa paraan ng pagkilos o paggalaw ng katawan at maging sa paraan ng diyalogo.
  • Ito ang kahulugan ng dula ayon kay Schiller at Madame De Staele: maituturing na uri ng akda na masasabing may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.

Pinakikita nito na ang dula ay may malaking bahagi sa Pilipinas. Masasabing naging bahagi ito ng tradisyon. Pero makikita natin na habang tumatagal at lumilipas ang panahon, nagbabago rin ang anyo ng mga dula.

Ang layunin ng pagkakaroon ng isang dula ay aliwin at pasayahin ang mga manonood na Pilipino. At isa pa ay bigyang buhay muli ang mga mahahalagang pangyayari o kaya kaganapan sa ating bans ana dapat makita, malaman at maunawaan ng karamihan.

Para sa higit na impormasyon, magtungo pa dito upang makapagbasa ng detalye na may kaugnayan mismo sa paksang nasa itaas:

Ito ay pagtukoy bilang ang pinakakaluluwa ng isang dula: brainly.ph/question/10192081

Mga elemento ng dula at ang kahulugan ng mga ito: brainly.ph/question/8186697

Mga uri at bahagi ng dula: brainly.ph/question/161435

#BrainlyEveryday