Sagot :
Answer:
Bilang pagtatanggol sa sarili sa paglilitis sa mga krimen ng digmaan kaugnay ng pagpaslang kay Abad Santos, itinanggi ni Homma na siya ang may pananagutan sa pagbitay sa bayani. Nagbigay siya ng testimonya na nang ipaalam sa kaniya ang pagkabihag kay Abad Santos sa Cebu, binigyang-babala niya si Heneral Hayashi, ang kaniyang deputy chief of staff at ang direktor heneral ng administrasyong pangmilitar sa Pilipinas, na walang dapat mangyari kay Abad Santos sapagkat umasa siyang “makikibahagi ito sa pamamahala sa Pilipinas.” Sinabi niyang nagulat siya’t nagalit nang malaman niyang binitay si Abad Santos. Iginiit niyang pinaslang si Abad Santos ng mga iresponsableng tagasunod.