👤

impluwensiya ng kontribusyon sa kasalukuyan pandaigdigan kamalayan​

Sagot :

Answer:

Aralin 1:

Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean.

Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece.

Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome. (mula sa sinaunang Rome hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman)

Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Aralin 2:

Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America.

Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa. (Mali at Songhai)

Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng pulo sa Pacific.

Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Aralin 3:

Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval.

Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”

Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval.

Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod.

Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.

Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe

Ang mga Minoans

Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula

sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang

Minoan batay sa pangalan niHaring Minos, ang maalamat na haring sinasabing

nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang

teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng

pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos

bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete.

Ang mga Mycenaean

Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at

magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.

Explanation:

i hope it can help :)