Gawain 2 Panuto. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI naman kung ito ay hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. (11 puntos) GOVERN 10. Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. 11. Taong 350 C.E. namayani ang Kaharian ng Axum sa Silangang Africa. 12. Pagsapit ng taong 1240 naitatag ang Imperyong Mali nang matalo ang Imperyong Ghana. 13. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. 14. Maliban sa pakikipagkalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. 15. Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucata Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala at nakamit ang rurok ng kanyang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE AT 700 CE. 16. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang "isang nagmula sa Aztlan”, isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico. 17. Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. 18. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala ang mga Polynesian sa banal na kapangyarihan o mana na nangangahulugang “bisa" o "lakas". 19. Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at silangan ng Asya. 20. Ang Melanasia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Lagda ng Magulang