Sagot :
Answer:
Ang unang pamayanang Espanyol na naitatag ni Miguel Lopez de Legazpi ay sa CEBU.
TInatayang ang itinatag na ito sa Cebu ay ang unang pamayanang Espanyol sa Pilipinas. Pinangalanan ang pamayanang ito na "San Miguel" pero pinalitan daw ito at ang ipinalit na katawagan ay "Lungsod ng Pinakabanal na Pangalan ni Jesus".
Noong sinakop ng mga Espanyol ang Cebu, inayos ni Miguel ang pamamahala sa pook na ito habang pinapalaganap ng mga misyonero ang relihiyong dala ng krusada, ang Kristiyanismo.
Kahit maraming naging galit at umayaw sa kolonyalismo ng mga Kastila, hindi pa rin nito napigilan ang pagpapadala ni Legazpi ng mga kawal sa iba pang mga pulo sa ating bansa lalo na sa mga karatig pulo ng Cebu.
At dahil dito ay nagpatuoy at nanatili ang pananakop ng mga dayuhang Espanyol sa ating bansa sa loob ng mahigit tatlong daang taon.
Sunod na pagtatag ng pamayanang Espanyol ay sa Maynila noong 1569.
Nagtungo si Miguel Lopez de Legazpi pati ang mga dala niyang mga tauhan at mandirigma sa Panay dahil sa kanilang nakalap na kuro’t mga balita na ang lugar na ito ay sagana sa mga likas yaman na makakain.
Dito nagtatag ng ikalawang pamayanang Espanyol si Miguel Lopez de Legazpi.
Ang pamayanang ito ay itinatag sa may dalampasigan ng Panay. At sunod na napagtanto ng dayuhang si Legazpi ang mga kuro at balita tungkol sa napakaunlad na mga pamayanan sa pulo ng Luzon.
Noong ika walo ng Mayo taong 1570 ay nagpadala si Legazpi ng kanyang ekspedisyon na ipinaubaya niya sa pamumuno’t pamamahala ni Martin de Goiti.
Noon ay naganap ang sikat na digmaan o labanan sa pagitan nina Raha Sulayman at Miguel Legazpi dahil lamang sa hindi pagbabayad ni Raha Sulayman ng iniatas na buwis ng dayuhan. At dahil sa siklab ng galit sa isa’t isa ay sinunog ng magiting na si Raha Sulayman ang Maynila at siya ay umurong sa pagbabagtas niya ng Ilog Pasig. Pagkatapos ay bumalik si Martin De Goiti sa Panay para mag-ulat kay Miguel Legazpi.
Naitatag pa rin ang Pamayanang Espanyol at natuloy pa rin ang pagsakop sa Maynila.
Si Legazpi naman ang sumalakay sa Maynila sa sumunod na taon at sinalubong siya at nakipagkilala’t kaibigan kay Lakandula. Ang pagiging magkaibigan nila ay dahil lamang sa lakas ng kanilang hukbo.
Nang matutunan ito ni Raha Sulayman ay hindi ito pumayag kaya't sinunog niyang muli ang pamayanan ng Kamaynilaan.
Hindi pa rin napigilan ni Raha na tuluyang masakop ang lungsod at naging isa pang punong-lungsod ang Maynila ng buong bansang pinangalanang Pilipinas ng mga banyagang mananakop.
Ang Kamaynilaan ay binansagang "Katangi-tangi at Laging Tapat na Lungsod". Dito ay itinatag rin ni Miguel Lopez de Legazpi ang pamahalaang lungsod ng kanyang lahi na kung tawagin ay AYUNTAMIENTO.
Sa pagtatagumpay na makapaghasik ng kolonyalismo sa bansa ay ipinagpatuloy pa rin ni Legazpi ang kanyang pangangamkam at pananakop sa iba't ibang pook sa Pilipinas.
Dahil dito ay tinaguriang siyang kauna-unahang mananakop na Espanyol na naging Gobernador Heneral ng bansang Pilipinas. Kilala siya bilang pinuno ng mga Espanyol na nagtungo sa Pilipinas o pinuno ng mga Espanyol na nagtungo sa Pilipinas at nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila.
****
Tingnan din! Narito ang mga link na may kaugnayan at maaaring makatulong sa iyo:
Sino si Miguel Lopez De Legazpi? - brainly.ph/question/29605
Paraan ng pananakop ng mga espanyol - brainly.ph/question/111272
Ang tawag sa bayang itinatag ng mga Espanyol batay sa patakarang reduccion - brainly.ph/question/898732
ctto: ncz