1. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Pillin ang titik ng wastong sagot mula sa kahon at isulat ito sa linya. 1. Ito ay tinatawag ding makasariling pamahalaan na may layunin na sanayin ang mga Pilipinong mamamahala sa bansa sa loob ng sampung taon. 2. Pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt kasabay sa pagtatalaga sa mga nahalal na pinuno. 3. Sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas 4. Ito ang listahan ng mga karapatang pantaong nakasaad sa konstitusyon ng isang bansa. 5. Siya ang hinirang ni Pangulong Manuel Quezon na maging tagapayong militar ng bansa. 6. Naging pangulo ng Surian ng Wikang Pambansa, na nagtasang mag-aral at magsiyasat sa pagkakaroon ng isang wikang Pambansa. 7. Nagtadhana ng sapilitang pagkakaloob ng serbisyong militar at ang pagtatatag ng Hukbong Pilipino na siyang mamamahala sa pagsasanay. pagsasa-ayos at pagpapanatili ng hukbong magtatanggol sa bansa. 8. Ito ang napili upang maging saligan o batayan ng wikang Pambansa. 9. Nahalal na Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt 10. Siya ang unang babaeng naihalal sa Mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas A. Gng. Elisa Ochoa B. Batas Tanggulan o National Defense Act C. Tagalog D. Heneral Douglas Mc Arthur E. Bill of Rights F. Pamahalaang Komonwelt G. Nobyembre 15, 1935 H. Lehislatibo 1. Jayme C. De Veyra J. Sergio Osmena K. Setyembre 15, 1935 L. Hudikatura