Sagot :
Answer:
Ang Gresya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang Klasikong Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Ottoman. Tinaguriang "Duyan ng Sibilisasyong Kanluranin" at pinagmulan ng demokrasyang pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, ang mga palarong Olimpiko, panitikang kanluranin, agham pampolitika, mga pangunahing prinsipyo ng karunungan, at teatro, ang kasaysayan ng Gresya ay mahaba at makulay, at ang kulturang naiwan nito ay naipamana rin mga lupain ng Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan, at naging basehan ng kultura ng Europa at ng tinatawag na Kanluran.
Sa ngayon, ang Gresya ay isang makabagong bansa, miyembro ng Unyong Europeo mula noong 1981. Ang kabisera ay Atenas, at ang ibang mga pangunahing lungsod ay Tesalonika, Patras, Heraklion, Bolos, at Larisa.
napapaligiran ng mga dagat: Dagat Egeo sa silangan, Dagat Jonico sa kanluran, Mediterraneo sa timog.
klima: katamtaman at maaliwalas.
likas na kagandahan ng bansa: bughaw na kalangitan, kumikinang na karagatan at magagandang tanawin.